March 2011
3 posts
Megaman Hyperlinked Fiction
Narito ang UNANG BERSYON. Narito ang PANGALAWANG BERSYON.
Mar 14th
Beatles Songfic
James Bernard E. Relativo                                                                                                                                MPs110 2009 – 53436                                                                                                                                                          Vlad Gonzales   Castration   “Duwag! Wala kang bayag!”, ang sigaw ko kay...
Mar 14th
Encantadia Fan Fiction Renga
Tahimik ang Lireo ilang araw pagkalipas ng paglayas ni Pirena.  Ang inaasahang paglusob ng Hathoria bilang tugon sa pagiging  bagong reyna ni Amihan ay hindi naging ganap.  Nakabibingi ang katahimikan sa Encantadia.   Isang umaga, sa pagbangon ni Menea—dating Reynang ngayon ay may aliwalas ng paglaya sa pamumuno—nadiskubre niyang nawawala si Reyna Amihan sa palasyo.  Kinonsulta niya sina Akil at...
Mar 14th
January 2011
6 posts
Card Captor Sakura Fan Fiction
Indolensya Beatriz Nicole C. Mariano             Nakita kong 6:18 na sa alarm clock ni Sakura pero ang sarap-sarap pang humiga, ang lamig-lamig kasi sa kwarto. Ang sarap magtalukbong sa kama. Ayoko pang bumangon, gusto ko pang managinip tungkol sa masasarap na dessert. Mmmm, ang sarap ng leche flan, halo-halo, tsaka ice cream. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog—teka. Teka lang. Pasado alas...
Jan 26th
1 note
Card Captor Sakura Fan Fiction
The Techno Karmela Gabrielle Tordecilla    Nang makarating ang sampung taong gulang na si Sakura Kinomoto sa gym ng Tomoeda Elementary School, halos dalawang daang mga kamag-aral na niya ang may bitbit na malalaking plastik na container, dinidiligan ng gasolina ang makintab na sahig. Sa mga nakapalibot na upuan ay parang walang malay na nakatulala lamang ang mga titser ng eskwelahan, tuwid na...
Jan 26th
Roswell Fan Fiction
HALIK Arellano, Sharmainne Jo G.                Maraming nangyari sa buhay ni Liz Parker nitong nakaraan kaya naman hindi niya maiwasan ang magmunimuni tungkol sa mga ito. Sa isip niya, isa-isa at paikot-ikot na bumabalik ang mga pangyayari. Una, hindi pa rin siya makapaniwala na may alien, alien na dati binabanggit niya lang pang good time sa ibang tao na ngayon ay alien na pinagkakautangan...
Jan 26th
Roswell Fan Fiction
Si Maxine ay Alien Zion de la Peña             Masakit mabaril. Yun lang siguro ang masasabi ko pagkatapos ng nangyari sakin nung isang araw. Bumibili ako ng brewed coffee sa Katag, doon lang kasi may nagbebenta ng brewed coffee, wala kasing epekto sakin yung Nescafe 3-in-1, kahit yung extra strong pa, yung black. Pasok ako sa entrance tapos pumila. Buti na lang maaga pa. Ilang studyante lang ang...
Jan 26th
2 notes
Linear na Kuwento: TATAY (Ericson Sayno)
“‘Wag kang made-delay. Gusto ko na magpahinga.” Malamig. Isang utos, hindi pakiusap. Hindi ko nagustuhan ang mga huling salita ni Tatay bago ko binaba ang cell phone. Alas-kuwatro pa ang tapos ng klase, ngunit nagpaalam na ako sa propesor para hindi ako ma-trapik. Dalawang jeep ang kailangang sakyan bago ako makarating, at kung maluwag ang daan, kulang-kulang isang oras ang aabutin ng biyahe ko....
Jan 26th
Non-linear na Kuwento: MANAY (Marvic Masagca)
ONE   “Huwag ibigay si Manay”, ‘yan ang paboritong qoute na laging sinasabi ng tiyahin ko sa akin tuwing magpapaalam akong aalis ng bahay. Ewan ko ba kung nagpapatawa lang s’ya o narinig n’ya ang mga haka-haka sa karatig kalsada na kerengkeng daw ako. Hindi ko rin naman alam kung bakit sa dami ng pagpapaalala n’ya sa akin ay hindi ako nakinig. Enjoy naman kasi talaga ang makipag-sex. Tila ba...
Jan 26th
September 2010
4 posts
Makeup Work: mga Sestina
Franchesca Mae Faustino             2009-53844 Digmaan Ng Mga Taksil Gulnara:               Nagtago kami sa hardin, nababaliw                                 sa mga patagong halik at sa aming bawal na pagmamahal.                                 Sa bawat haplos, tumatatak sa aking balat ang aming kataksilan.                                 Hindi na ako lumaban.                                 Sa...
Sep 27th
Sep 27th
Tula: OROSMAN AT ZAFIRA
Triolet   Kanang Visir Gio Basco     Kanang visir ng kanyang Sultang kay lupit, sukdulang sa Tedenst, hininga ialay. Nilisan yaring Zelimang sintang dikit—   kanang visir ng kanyang Sultang kay lupit.   Paghihiganti ko ay kanyang sinapit, sa anak at bayan, binigay ang buhay. Kanang visir ng kanyang Sultang kay lupit,   sukdulang sa Tedenst, hininga ialay.     Villanelle   ‘Wag Munang...
Sep 8th
Tula: OROSMAN AT ZAFIRA
Lucia Edna P. de Guzman                                                          September 7, 2010 04-41568/ BA CW                                                                   MPs 110 – revised poems Mahamud Huwag umawit at ika’y sinungaling. Huwag dungisan ang inialay ko. Sa halip, kantang ito’y iyong sayawin, kapalit ng damdaming ipinagkait mo. Sinasabing ako ay makatarungan kaya kahit...
Sep 8th
August 2010
6 posts
GATEKEEPERS Fiction
Si Shun at Ang Pinakamalaking Pagsubok Krisinia Marou F. Candido Nagsimula nang lumawak ang kapangyarihan ng mga Alien Invader sa buong mundo. Maraming Pilipino ang naging mga robot na at naghahasik ng lagim sa sangkatauhan. Napag-alaman ng Alien Exterminating Global Intercept System o mas kilala sa tawag na A.E.G.I.S. na nalalapit na ang ikatlo at pinakamabagsik na invasion sa Planetang Earth....
Aug 26th
GATEKEEPERS POETRY
HIMUTOK (Soneto) Sila ang may hawak ng kapangyarihan Susunod tayo sa mga utos nila Magsisimula tayo ng kaguluhan Tayo ang mga tuta, mga alila. Isusuot natin ang shades na madilim Tila nagsasabing wala ng liwanag, Tayo pa ang nagmumukhang mga sakim Sa amerikanang suot, pinatingkad. Pagsakop sa mundo ang kanilang nais Ngunit tayo ang kanilang ginagamit Ating lakas at pwersa ang...
Aug 26th
FIREFLY Fiction
Ang Kundisyon Joseph Daniel V. Berida   “Wang ba dan!” sabay hataw ng kamao ni Zoe. Pinalibutan ng kadaliman ang mundo ni Wash. —- “Ang naaalala ko lang e bigla na lang siyang sumigaw bago dumilim ang paningin ko. Para bang binangga lang nang harap-harapan ng isang Reaver starship ang isang Series 1 Firefly-class ship habang rumaragasa ito sa ere dahil hinahabol ito ng isang Alliance...
Aug 16th
FIREFLY Fiction
Maricel C. Macabodbod 2009-41283   Nawawalang Kasaysayan             Pinaalis na ni Mal ang mga kasama bago pa tuluyang mawalan ng hangin ang kanyang spaceship. At siya dahil mahal niya ang kanyang spaceship, nagpaiwan siya dito. Naniniwala siyang may magdadala sa kanya ng catalyzer upang gumana ang oxygen generator ng kanyang spaceship at mailigtas ang sarili sa tiyak na kamatayan.            ...
Aug 16th
FIREFLY Fiction
Isla Lean Karlo S. Borlongan   Nabaril si Mal ngunit nakuha niya ang catalyzer at napaandar muli ang firefly.  Nagising siya sa infirmary at nakita ang kanyang team. Sa kabilang kama ay sugatan at walang malay si Zoe. Nagmulat ng Mata si Mal at nakita ang kanyang team, napansin ito ni Kaylee. “Captain,” tumatakbong niyakap sya nito, ang luhang gumuhit sa kanyang pisngi ay pumapatak sa katawan ni...
Aug 16th
FIREFLY Fiction
Marc Louis D. Maria Monte 2009-03011 Makamundong Pag-ibig Madugong sahig. Nakahandusay sa malamig na bakal. Nanghihina at kumakapos na sa paghinga. Pumapatak ang dugo hanggang sa ilalim na bahagi ng spaceship. Patuloy ba akong mabubuhay kasama mo Serenity? Mahinang tanong ko sa sarili. Nang makita kita sa isang mundong malayo na sa iyong panahon, tila pinag-iwanan ka na ng mga taong...
Aug 16th
July 2010
6 posts
Writing Exercise # 2: Megaman Fan Fiction →
Jul 22nd
Writing Exercise # 2: Megaman Fan Fiction →
Jul 22nd
Writing Exercise #1: Fan Poetry
Suzette Dalumpines Maganda ako. Oo, ako’y maganda. at alam kong ako’y magaling kumanta. Sabi nga ni Rubi, wala nang kokontra gusto niyo man o hindi, ako ang bida. Pagkatapos magpaka-chummy sa Disney ngayon handa na akong mag-feeling seksi. Dumayo sa Hollywood para pumarty idinamay pa sina Jay-Z at Britney. Sa harap ng bandila ni Pareng Barack performance level pati ang mga back-up...
Jul 22nd
Writing Exercise 2: Option 3 →
  maaaring paglaruan ang alinmang aspekto ng celebrity na nasa link, sundan ang mga puntong tinalakay tungkol sa fan writing at sikaping ilapat sa tula.
Jul 1st
Writing Exercise 2: Option 2 →
maaaring paglaruan ang alinmang aspekto ng video na nasa link, sundan ang mga puntong tinalakay tungkol sa fan writing at sikaping ilapat sa tula.
Jul 1st
Writing Exercise 2: Option 1 →
maaaring paglaruan ang alinmang aspekto ng palabas na nasa link, sundan ang mga puntong tinalakay tungkol sa fan writing at sikaping ilapat sa tula.
Jul 1st