Malikhaing Pagsulat 110
Writing Exercise #1: Fan Poetry

Suzette Dalumpines


Maganda ako. Oo, ako’y maganda.
at alam kong ako’y magaling kumanta.
Sabi nga ni Rubi, wala nang kokontra
gusto niyo man o hindi, ako ang bida.

Pagkatapos magpaka-chummy sa Disney
ngayon handa na akong mag-feeling seksi.
Dumayo sa Hollywood para pumarty
idinamay pa sina Jay-Z at Britney.

Sa harap ng bandila ni Pareng Barack
performance level pati ang mga back-up
kagaya lang daw nitong pangulong pandak
na walang ginawa kundi magpasikat.

Sabi nila, kami’y walang pinag-iba
na noong una lamang gusto ng madla.
Pero dyan ako’y hindi naniniwala
pagkat sa kanila, ako’y nag-iisa.

Walang paki di man gusto ng marami
‘pagkat ako lamang ang bida sa party.
Kahit puro lang taas ng kilikili
ako pa rin ang talentadong si Miley.
 

—nagmamaganda,

Miley


Chesca Uy

Ben


“They don’t see you as I do
I wish they would try to
 I’m sure they’d think again
 If they had a friend like Ben”
- Michael Jackson


Walang katulad sa pag-awit, pagsayaw.
Sa bansag na King of Pop, walang kaagaw.
Saan man, may tagahangang nagmamahal
at hindi masusukat ang kasikatan.

Si Michael sobrang tanyag, yan ang totoo.
Ngunit sa likod ng kanyang entablado,
wala siya na nasasandalang tao,
hindi gaya ng daga sa awit nito.

Naging  palaisipan kanyang pagpanaw.
Propofol, sakit, sari-saring dahilan.
Ang buong mundo naman nagbalik tanaw,
sa kanyang sariling mundong ginalawan.

Bakit siya sa madla naging mailap?
Dahil ba ang kanta hindi naging sapat
na salamin upang masandalang tapat
pagkakaroon ng takbuhang balikat?

Sa Ben, awit niya na naging popular,
nakita tapat na pagkakaibigan.
Ito kaya’y nadanas niya sa buhay,
na kailanman ‘di sa tao natagpuan?

Suzanne Guanzon


KAY MICHAEL


Haring gwantes ang suot at di korona
Paglakad sa buwan, parang malikmata
Ang daming tao ang naging maligaya
Galaw at indak ay ginawang gayuma


Ang kanyang ngiti at salaming pang-araw
Sa likod ba’y lungkot, saya ba’y ninakaw
Ng mga taong kasiyaha’y mababaw
Di makatago, kahit gusto o ayaw


Ako ay isa sa kanyang tagahanga
At hanggang ngayon ay hindi nagsasawa
Katauhan niya man, balot sa hiwaga
Sa aking puso, hindi siya naluluma

 

maaaring paglaruan ang alinmang aspekto ng celebrity na nasa link, sundan ang mga puntong tinalakay tungkol sa fan writing at sikaping ilapat sa tula.

maaaring paglaruan ang alinmang aspekto ng video na nasa link, sundan ang mga puntong tinalakay tungkol sa fan writing at sikaping ilapat sa tula.

maaaring paglaruan ang alinmang aspekto ng palabas na nasa link, sundan ang mga puntong tinalakay tungkol sa fan writing at sikaping ilapat sa tula.